Bukas nanaman
Mainit ang panahon ngayon
Tumutulong luha ang katawan ko
Inaasam-asam ang pagbalik ng tag-ulan
Sa ilalim ng puno, ulo'y nakayuko.
May mas higit pa ba ang pagtitiis na ito?
Na kahit isang saglit ay matikman ang sarap
Kahit isang patak ng ulan...
Matagal na akong naghihintay, naghihirap.
Ubos na ang bunga ng niyog
Natutuyo ang kanyang mga dahon.
Init ng araw sinasalubong ang aking mga paa.
Mamaya kaya...siguro ay uulan na.

1 Comments:
Nicely done! ;)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home